How Expectations Ruin Your Life



Naging nature na sa'tin na mag expect ng kung ano-anong bagay. Kapag natutupad ang gusto natin, malamang nakakatuwa. Kaso, mas madalas mangyari na bigla ka na lang sasampalin ng katotohanan na hindi mangyayari ang gusto mo. Ngunit kahit magang-maga na ang mga pagmumukha natin sa paulit-ulit na ganito, hindi tayo natututo. Nature nga e. Kahit pigilan mo pa isipin kung ano yung ninanais mo nangyari, meron pa ring maliit na boses sa utak mo na umaasa.

Araw ng mga puso. Pasko. Kaarawan mo. Sabihin na natin na nag-eexpect ka na may taong gagawa ng something special sa'yo. O kahit hindi occasion, umaasa ka sa isang tao. Umaasa ka na tratatuhin ka nang maayos, o kahit magpakita manlang ng kahit onting sukli sa binibigay mo lagi sa kanya. Pagdating sa pag-eexpect sa mga tao sa paligid mo, tandaan mo lang na kahit kailan na hindi nila naging kasalanan to let you down. Masakit man ang katotohanan, pero ikaw 'yung umasa. Kaya nga may tinatawag na unconditional love, kung saan nagmamahal ka nang walang hinihiling na kapalit. Matuto ka lang tanggapin na hindi lahat ng tao ay kaparehas mo magmahal, maiintindihan mo na kung bakit ganun sila, at hindi ka masasaktan.

Karaniwan sa sobrang takot natin masaktan binababaan na lang natin ang expectations natin. Kasi kapag mataas ang expectation, i-expect mo na rin na mataas ang tsansa ng disappointment. Siguro binibilang mo na rin kung ilang beses ko na nabanggit ang word na "expect" sa post na 'to, pero anyway nakakabaliw talaga minsan maging tao (lalo na kung may anxiety ka tulad ko). 'Di mo na alam ang dapat isipin para hindi ka masaktan sa huli. Sana kasi ganoon na lang kadali na 'wag mag expect.