Kailan at Paano Naging Weird ang Normal na Bagay? by Juan Mandaraya



"Isa sa dating katrabaho ko noon ang hirap na hirap akong sabayan sa pagkain tuwing breaktime. Hindi dahil sa buraot siya, kun’di may kakaiba siyang paraan o sariling version ng paggamit ng ketchup. Isipin mo—ginisang munggo—may ketchup. Totoo to, hindi joke. Ang akala ko e naglalaro lang siya. Trip-trip lang. Pero yung mga sumunod na araw ang lalong nagpakunot ng noo ko at sumira ng appetite. Isipin mo na lang ang tinola, ginisang pechay, pakbet at nilaga---lahat sila may halong ketchup."

Credits: Juan Mandaraya/Definitely Filipino

"Noong bata ako, meron akong kakaibang phobia. As in kakaiba talaga, dahil never pa akong nakarinig ng katulad kong istoryang tulad nito. Dati kasi, takot na takot ako kapag nakakarinig ng tunog ng eroplano, lalo na kapag nagbabagsak ng atomic bomb sa inidoro. Seryoso yun. Bigla na lang akong tatakbo palabas ng banyo hanggang sa makalayo ang eroplano, saka ako babalik sa session. Oo, nakahubad. Bata pa naman ako nun, wala pang alam sa malisya. Ngayon-ngayon lang, hinananap ko sa internet kung meron bang ganung uri ng phobia. Walang lumabas sa result kun’di “Ang weird mo!”. 

"Bukod dun, meron pa akong isang weirdong kinatatakutan. Simula pagkabata, ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng takot tuwing maririnig ko ang ‘Lupang Hinirang’ tuwing sign-off na ang isang tv channel. Oo, seryoso yun. Isang beses nga, nakatulugan ko na yung tv. Dahil medyo mababaw lang ako matulog, napabalikwas talaga ako at super-bilis kong pinatay yung tv nung bitawan na ang unang nota ng pambansang awit. Oo nga, seryoso nga yun. Nasa college na ko nun ng mangyari yun."

"Alam mo bang sa Thailand, ilegal ang pagtapak sa pera? 

"Sa Montana naman, puwedeng ikasal ang bride at groom, kahit ‘pareho’ o isa sa kanila ang missing in action. Solusyon? Proxy wedding. Pero puwede lang yun sa mga sundalo o miyembro ng militar. Magpe-pretend na lang ang isang malapit na kaibigan na maging bride o groom para maikasal, pero valid pa rin. Hindi lang ako sure kung pati paghalik at honeymoon ay kasama sa package deal. Pero kung sa tingin mo e weird na yun, eto pa ang isa. Sa Utah, puwede mo ng pakasalan ang pinsan mo---pero---kelangan pareho kayong 65 years old. Kung ano man ang rason nila dun, hindi ko na alam. Meaning, legal ang incest sa kanila. 

"Noong 1800, nagkaron ng batas sa Arkansas na puwedeng saktan ni mister si misis, once a month. Wow. Once a month. Kumbaga pag badtrip ka sa buhay o talo ka sa sugal, puwede mong pagbalingan ng galit si misis, nang maluwag sa loob. Hanggang ngayon implemented pa rin to. Bawal humalik sa misis ang mga mister na bigotilyo lalo na sa mga pampublikong lugar, ayon yan sa batas ng Iowa. Ilegal din sa Massachussetts ang pagpatong ni misis kay mister tuwing magdadagdag ng populasyon. Ibig sabihin, dapat laging si mister ang nasa ibabaw. Pero pano naman nila malalaman yun? Namboboso ba ang mga pulis sa lugar nila? Sa Hong Kong, legal ang pagpatay sa asawa kung mahuli mo itong nangangaliwa. Pero dapat sure ka muna. At wala kang ibang gamit kun’di ang sarili mong mga kamay. Bawal ang laser sword ni Voltes V o atomic bomb. Kung sa Pinas na implement to, malamang bumaba ang bilang ng populasyon natin. Sisikip din ang mga sementeryo. 

"Ang weird."

"Nabansagan na kong weirdo dati nuong mga kapanahunang paborito kong suotin ang kulay itim. As in lahat. Inakala ng ilan na gumagamit ako ng ipinagbabawal na gamot at miyembro ng modernong kulto. Wala naman akong ibang rason para dun kun’di, maaliwalas lang tingnan para sa’ken ang kulay itim, lalo na sa t-shirt. Wala akong balak sumali ng kulto. Nagpapanggap lang talaga akong rakista nun kaya pinipilit kong magmukhang rakista sa pagsusuot lagi ng itim. 

"Hindi ko minsan ma-gets kung kelan nagiging weird ang isang bagay. 

"Ang tanong: bakit naging weird? May mga bagay sa mundo na kinasanayan at kinalakihan na natin. In short, naging tradisyon. Lahat ng tao, sumusunod sa pare-parehong sistema ng pagkatao para matawag na normal na nilalang. Sa oras na baliin o i-modify ang isang bagay o gawain na hindi maganda sa paningin ng iba o taliwas sa opinion ng nakararami, dito na papasok ang pagiging weirdo, lalo na kung may kakaibang paraan, proseso o sistema. Kung ‘out-of-this-world’ na ang trip mo, maaari ka ng bansagang weird sa kadahilanang iniiba mo ang konsepto ng pagiging ordinaryo. 

"Ordinaryo. Simple. Paano ba yun? 

"Halimbawa, ang anatomy ng isang simpleng hamburger ay binubuo ng bun, burger patties at ketchup at mayonnaise. Sa Pinas yan, pero sa ibang bansa, dapat merong ekstrang gulay. Pag may cheese, automatic ng cheeseburger ang tawag. Ngayon, kung isasama mo sa gitna ng burger patties ang ilang piraso ng French fries, medyo okey pa din yun. Naging extra-ordinary, pero hindi pa rin masasabing weird. Ngayon, kung gusto mong maging weird, maaari mo ng gawin ang mga kakaibang bagay gaya ng pagtanggal ng burger patty, pagsawsaw ng hamburger sa softdrinks o ice cream, o pag-order ng cheeseburger, pero tatanggalin mo din yung cheese bago kainin. Puwede ring lagyan ng tissue kung medyo level-up na ang ka-weirduhan."

"Muntik ko na ngang maibuga yung hawak kong kape nung isang gabi habang nanunuod ng balita. May isang matalinong politika ang nagpasa ng bill. Anti-selfie bill. Medyo weird pero naisip ko lang, hanggang ganun na lang ba talaga ang mga magagawa nating batas at pati ang kaligayahan ng ilan e babawalan pa? 

"May ilan kasing mga netizens ang pakunwang nagse-selfie, pero yung nasa likuran naman talaga ang highlight ng picture. Meaning, kawalan ng privacy. Hindi nga naman magandang gawain yun, lalo pa’t nagkalat ang samu’t saring krimen dahil lang sa maseselang pagpo-phost ng mga larawan sa iba’t ibang networking site. Pero bakit kelangan pang isabatas? Puwede namang wag na lang gawin. Paalalahan. Ipamukha sa lahat ang salitang ‘privacy’. 

"Bakit hindi nila paigtingin ang mga kasalukuyang batas? Gumamit ng kamay na bakal? O kaya ibalik ang death penalty?"

"Balik tayo sa usapan. 

"Alam mo bang nasa batas na puwede kang kasuhan ng rape, kahit sa sariling mong asawa ginawa? 

"Isa pang weirdong batas ng Pinas ay pagto-toss coin kung sakaling mag-tie ang magkatunggali sa eleksyon. Totoo to. Ayon yan sa Comelec Resolution No. 9648 na, “the Board immediately notify the said candidates to appear before them for the drawing of lots to break the tie. The drawing of lots should be conducted within one (1) hour after issuance of notice by the Board to the candidates concerned.” (Wag ka mag-alala, pati sa US ginagamit din ang method na yan).

"Ipinagbabawal din sa bansa natin ang pagmamay-ari ng deadly arrow. Opo, pana. Yung paboritong weapon ni Legolas at Robin hood, alinsunod sa 1960’s Republict Act no. 3553 o “Anti-Pana Law” na, “anyone who possesses a deadly arrow or ‘pana’ without permit from a city, municipal, or municipal district mayor, shall be punished by imprisonment for a period of not less than thirty days nor more than six months. The phrase ‘deadly arrow’ or ‘pana’ as used in this Act means any arrow or dart that when shot from a blow or slingshot can cause injury or death of a person.”. Pero halimbawang parte ito ng hanapbuhay, kelangan mo munang mag-register sa munisipyo para kumuha ng permit, para hindi ka magpakamalang weird."

"At kung inaakala mong ilegal ang pagpatay, puwes, medyo mali ka. Dahil ayon sa Article No. 247 ng Revised Penal code, maaari mong patayin ang iyong sariling asawa kung mapatunayan mo itong sumakabilang-bahay o maraming ka-flirt. Sabi nga sa batas, “who having surprised his spouse in the act of committing sexual intercourse with another person, shall kill any of them or both of them in the act or immediately thereafter, or shall inflict upon them any serious physical injury, shall suffer the penalty of destierro.” Pero dapat, “with respect to their daughters under eighteen years of age, and their seducer, while the daughters are living with their parents.”. 

"Pero hindi talaga yun ang problema ko. Si Hello Kitty. Weird."