Katatawanan: Ang Sagot Sa Kadramahan ng Buhay



Lahat tayo may pinagdadaanang mabigat sa buhay. Merong mga problema na halos 'yun na ang pumupuno sa isip natin -- lovelife, problema sa pamilya, financial, at iba pa. Meron naman mga hindi gaano kalalim. Pero kung gaano man kagaang o kabigat ang pinapasan natin, iisa lang ang tanging nakakapagpabuhay sa'tin: katatawanan. 

So paano nga ba nakakatulong ang pagtawa? 

According to recent studies, madami naitutulong sa'tin ang pagtawa. Kasama na doon ang pag-relieve ng stress at pag-boost ng immune system -- dahil sa endorphins na ni-rerelease, which is ang "feel good" chemical ng katawan natin.

But science aside, sa tingin ko proven na natin 'to sa mga sarili natin na sa oras nang kahirapan, katatawanan lang ang kailangan natin to keep going. We may not know it, pero we underestimate laughing. 

Pag kailangan mo ng tulong sa buhay mong napupuno na ng kadramahan, hingin mo lang ang tulong ng mga malalapit mong kaibigan para mapatawa ka. Pwede ka rin manood ng mga comedic shows. Maraming paraan. Basta lumayo ka lang sa mga senti songs at sa mga bagay na pwede ka hilahin pababa.