Keeping One's Cool


Credits to: Chris Piascik
Credits to: Chris Piascik

Sa totoo lang, sa lahat ng mga karumaldumal na nangyayari sa araw-araw na buhay, tapos madadagdagan pa ng kagagawan ng ibang tao, minsan hindi na natin alam paano pa kakalma. Kung pwede lang dalhin yung rage at magwala, kaso madaming maapektuhan tulad ng mga inosenteng tao sa paligid mo. Kadalasan pa naman kapag galit, kung ano-ano na nasasabi. Kaya sobrang importante talaga maging kontrolado sa emosyon.

Galing sa patuloy na nangyayari

Minsan, kapag sobrang stress mo na, tyaka mo mapapansin ang kapalpakan ng paligid mo. Tulad dito sa Pilipinas; pagod na pagod ka na nga galing sa school o trabaho, tatayo ka pa sa napakahabang pila ng MRT, sisiksik ang sarili na parang sardinas, at pipila na naman palabas. Isa pa rin ang palpak na construction sa mga highway, pero hindi ko na itutuloy maglista. Kung nakatira ka sa bansa na 'to, alam mo na 'yon. 

Sa mga bagay-bagay na hindi na natin mapigilan mangyari, mabuti nang tanggapin na ito nang maaga pa. Isipin mo na lang na makakaraos ka rin sa lahat ng kagag*han na nasa paligid mo, and there's more to life than that.