Living With Anxiety


via Flickr
via Flickr

Sa stress ba naman na patuloy humahampas sa araw-araw natin na buhay, hindi malayong iilan sa'tin may anxiety issue na pala. Kung meron kang karumaldumal na disorder na ganito, tiyak makakarelate ka. Kung may kilala ka naman, ngayon malalaman mo na kung ano pinagdadaanan nila tuwing inaatake sila ng anxiety. Paniwalaan mo ako pag sinabi kong masisira ulo mo.

Kalma

Inaamin ko na isa ako sa mga nilalang na hindi alam paano umahon sa mga ganyang sitwasyon. Ang alam ko lang, halos himatayin na ako 'pag hinarap sa mga bagay na kahit simple ay nababaliw ako. Pero alam ko din na ako rin ang pumipigil sa sarili ko kumalma. Mahirap i-explain, pero pag ikaw 'yung nasa sitwayson, palala nang palala lang ang nararamdaman mo. Para bang nakakulong ka sa tornado at iniintay mo na lang makababa. 

Makakabuti siguro kung magsimula sa deep breathing patterns, sabay inom ng tubig. Since wala kang control sa isip mo, daanin mo na lang sa physical. Lumayo ka sa mga bagay na maaaring makasakit sa'yo, at pumwesto sa komportableng position hanggang sa kumalma. 'Pag nararamdaman mo nang nakokontrol mo na ang utak mo ulit, tyaka mo punuin 'to ng happy thoughts. Pumunta ka sa "happy place" na tinatawag nila.

Siguro ito na rin ang pinaka nakakabaliw na pangyayari sa buhay ng mga minalas magkaroon nito. Buti kung isang beses lang o paminsan-minsan, pero hindi. Aatake ang anxiety kahit sa mga maliliit na komplikasyon ng buhay ng biktima. Madalas masasabihan kang "OA" ng mga taong ignorante sa sakit na 'to, pero mas mabuting ipagdasal mo na lang sa Diyos ang mga kaluluwa nila.